TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na magdaragdag ng limang vote-counting machines (VCMs) sa Hong Kong.
Sa kasalukuyan ay mayroong limang VCM na ginagamit sa Hong Kong.
Iniulat na sa pagsisimula ng overseas absentee voting nitong Linggo sa Hong Kong ay dumagsa ang mga Pinoy, subalit kakaunti ang VCMs.
Sinabi ni Commissioner Marlon S. Casquejo na dahil dito ay hiniling ng overseas voters na dagdagan ang VCMs.
“‘Yung naging issue regarding sa Hong Kong since we only have five existing VCMs, the overseas voters agreed or proposed to have additional five so there will be 10 existing now,” ani Casquejo.