5 WANTED SA BATAS ARESTADO NG PULISYA

BULACAN-PNP

BULACAN  – ARESTADO ng mga tauhan ng Bulacan-PNP  ang lima  katao na wanted sa iba’t ibang kaso matapos ang follow-up operations sa magkakahiwalay na lugar.

Sa report na ipinadala ni Sr. Supt. Chito Bersaluna kay PNP Regional Director, Chief Supt. Amador Corpus, kinilala ang mga nadakip na sina Roldan Cunanan, 47-anyos, ng Arayat, Pampanga, na inaresto dahil sa kasong kriminal, Kevin Bondad, 29-anyos, mula sa Plaridel na sangkot sa kasong frustrated homicide.

Habang nadakip din sa follow-up si Cutillas Licong, 38-anyos, Bocaue, sa kasong slight physical injuries at Luzviminda Falguera,47-anyos, ng  Marilao,  at Edward Meneses, 38-anyos, sa kasong tangkang pagnanakaw.

Samantala, nakakulong na  ang mga suspek sa iba’t ibang municipal jail. THONY ARCENAL