50-20-30 RULE TO MANAGE YOUR SALARY

PARA makaipon sa gitna ng tumataas na presyo at mababang sahod, mayroong paraan na ginagawa ang ilang nais yumaman.

Bukod sa pamamaraang ito para makaipon, ito rin ang maaaring panuntunan ng  bagong graduates para sa mga tanggaping trabaho at suweldo.

Para sa mas malinaw na paliwanag upang masunod kung paano hahatiin ang suweldo, dapat sundin ang 50-20-30 rule.

Ibig sabihin nito, 50% ng suweldo ay ilalaan sa mga gastusin sa bahay, gaya sa house rental, utility bills at pagkain.

Ang 30% para sa mga gustong mo sa sarili, mga gamit sa sarili, pagkain at isama na rito ang kawanggawa, vitamins at iba pang pampering activities.

Habang ang 20% ay puwede sa savings na maaaring gamitin kung pangmatagalan, pang-retiro o kung may nais bilhin, doon huhugutin.

Ang panuntunan na ito ay maaring ikonsiderang limitado sa ilan dahil marami talagang hanay ng gastusin.

Halimbawa sa healthcare at iyon budget sa pagpasok sa trabaho.

Gayunman, isa lamang patter ito kung paano hahatiin ang inyong suweldo.

Sa huli, ang layunin ng 50-20-30 ruling ay maisubi kahit maliit mula sa suweldo upang may madukot kapag may emergency.

EUNICE CELARIO