HINDI bababa sa 50.34 million Subscriber Identity Module (SIM) cards ang rehistrado na hanggang kahapon, March 27, ayon kay National Telecommunications Commission Director Engr. Imelda Walcien.
Ito ay katumbas ng 30 percent ng lahat ng active SIMs sa bansa. Hinihikayat ng NTC ang mga user na iparehistro ang kanilang SIM card bago ang April 26 deadline para maiwasan ang deactivation. Ayon kay Walcien, pinag-aaralan pa ng ahensiya ang pagpapalawig sa deadline.