50 ANYOS NA ABRA BRIDGE NA-REHAB NA

Natapos ang rehabilitasyon ng Don Mariano Marcos bridge, sa pagpursige ng Abra District Engineering Office, ayon sa report na nakarating kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Ang tulay ay matatagpuan sa kahabaan ng Abra-Kalinga road, na siyang pinakamalapit na daan patungo sa Munsipyo ng Dolores, Abra, at sa mga Barangay ng Bumagcat, Ta­yum at Mudiit.

Ayon kay DPWH-CAR Director Khadaffy Tanggol, ang 50 anyos na tulay ay kinakaila­ngan ng retrofitting upang makamit ang tinatawag na seismic load requirements structure  at makasunod sa bagong standard  design guidelines, criteria, at specification ng departamento.

Ito ay pinondohan ng  P96.5 milyon  mula sa General Appropriation Act (GAA) 2024.

FROILAN MORALLOS