50 ARTIFICIAL CORAL REEF INIHULOG SA KARAGATAN NG ROSARIO, CAVITE

UMABOT sa 50 pirasong Artificial Coral Reef ang inihulog, Oktubre 9 ng mga miyembro ng Bantay Dagat sa karagatan ng Rosario, Cavite.

Ang mga ginawang Artificial Coral Reef ay pinagsama-samang do­nasyon mula sa mga kumpanya sa Export Processing Zone Autho­rity (EPZA).

May tamang sangkap ito ng bawat paggawa tulad ng durog na uling, bunot ng niyog, mga maliliit na bato na nagmula sa bundok, semento, at buhangin.

Ito ay proyekto ng lokal na pamahalaan ng Rosario, Cavite sa pakikipagtulungan ng Yes Foundation.

Natatanging ang ba­yan lamang ng Rosario sa buong Cavite ang nagtatanim ng Artificial Coral Reef sa karagatan.

SID SAMANIEGO