50 BAGONG EMPLEYADO NG OTS IPAKAKALAT

NAKATAKDANG  italaga ang limampung bagong empleyado ang Office of the Transportation Security (OTS) sa apat na paliparan sa bansa.

Sinabi ni Kim Atienza, spokesperson ng ahensiyang ito, pormal na nanumpa ang 50 OTS Security Screening Officer sa harap ni Undersecretary Mao Aplasca.

Ang bagong talagang SSO ang magsisilbing kaagapay ng riding public para masiguro ang ligtas at komportableng biyahe ng mga pasahero.

Nangako rin ang bawat isa ng kanilang commitment upang maiangat ang Civil Aviation Security sa mga paliparan.

Dumaan ang mga ito sa mga pagsasanay kasama na rito ang training modules, baggage screening, threat, detection at emergency response procedures. Froilan Morallos