MAY KABUUANG 50 bagong proyekto na may investments na aabot sa P22.5 billion ang inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority kamakailan.
Sa isang statement, sinabi ng PEZA na 33 sa mga proyektong ito ay expansion projects ng mga locator nito. Nagtala ang mga ito ng kabuuang P13.8-billion investments.
Labimpitong newly-registered projects ay economic zone deve¬lopment na may investments na nagkakahalaga ng P8.7 billion.
Sa mga bagong proyekto, 40 ang matatagpuan sa Luzon, anim sa Visayas, at apat sa Mindanao.
Nasa 44 percent ng total investments ay nagmula sa domestic companies, habang ang nalalabing 56 percent ay galing sa foreign investors.
Ang foreign sources ay kinabibilangan ng Australia, China, Japan, Singapore, at United States.
“The approval of new projects and investments is the agency’s positive action to continuously support the Philippine economy in our endeavor to maintain our competitiveness for investments despite the impact of Covid-19 (coronavirus disease 2019),” wika ni PEZA Director General Charito Plaza.
Ang pinakabagong investment approvals sa PEZA ay inaasahang lilikha ng 8,917 bagong trabaho.
“Covid-19 cannot stop PEZA in performing its mandate to register, manage, and operate public and private economic zones in the country. PEZA continues to attract investors to come and invest to the Philippines despite the crisis,” dagdag ni Plaza.
Hanggang noong Enero 2020, may kabuuang 1.56 million jobs ang nalikha sa PEZA at umabot ang exports revenue sa USD4.4 billion. PNA
Comments are closed.