CAGAYAN – DAHIL sa maayos na pamamalakad ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo uterte ay walang nang pangamba at takot ang mga mamayan kaya nagdeklara na ng ‘’Persona Non Grata” ang lahat ng barangay ng Gattaran, Cagayan laban sa New People’s Army (NPA) upang tuldukan na umano ang maling adhikain ng nasabing kilusan.
Ayon kay PMajor Edwin Aragon, hepe ng PNP-Gattaran, nagpapakita lamang ito na ayaw na at nagsawa na ang mga mamamayan ng Gattaran sa ginagawang pangingikil ng mga NPA.
Aniya, may lakas na ng loob ang mga residente sa pangunguna ng mga barangay official na labanan ang mga miyembro ng NPA para makamit ang kapayapaan at kaayusan ng kanilang nasasakupang lugar.
Lubos namang nagpasalamat si Aragon sa mga residente sa kanilang ipinapakitang kooperasyon kontra insurhensiya, na handa naman ang kapulisan na kanilang susuportahan ang mga residente sa kanilang layunin para sa ikatatahimik ng kanilang barangay.
Samantala, sinabi pa ni Aragon na kanila ring tinututukan ang pagsugpo sa ilegal na droga sa nasasakupang lugar dahil hanggang sa ngayon ay marami pang barangay ang apektado nito.
Aniya, mula sa kabuuang 50 barangay ng Gattaran ay pito pa lamang dito ang naideklarang drug cleared at pito rin ang drug free kung saan umabot sa 474 katao ang unang sumuko sa PNP. IRENE GONZALES
Comments are closed.