MINDANAO-NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration operatives ang 50 dayuhan na nagtratrabaho sa bansa gamit ang mga pekeng working permits at visa sa Maasim,Saranggani province sa lalawigang ito.
Ayon sa report ng Immigration Mindanao Intelligence Task Force (BI-MITG) ang 50 Chinese national ay nagtratrabaho sa isang Steel company na nakabase sa Southern Region.
Ayon naman kay BI Commissioner Jaime Morente, nahuli ang mga suspek sa tulong ng mga residente at surveillance na isinagawa ng kanyang mga tauhan sa lalawigan ng Mindanao.
Sa inisyal imbestigasyon, kumuha ng mga working permit ang mga ito ngunit nang ipa-surveillance sa intelligence agents ay nadiskubre na nagsinungaling ang mga dayuhan at palsipikado ang kanilang mga dukumento.
“These aliens presented themselves as skilled servicemen that would conduct short-time work in the company,”ani Morente.
Naaresto ang mga ito, sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng Regional Operations Unit 12 (RIOU-12) ng Philippine National Police, Intelligence Service Unit (ISU15AIB), 38th Infantry Batallion, 603rd Brigade of the Philippine Army, Naval Intelligence Security Group (NISG-NFEM) Naval Special Operations Group (NAVSOG-NFEM) ng Philippine Navy at ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA 12).
Nabatid pa na sa 50 naarestong Chinese national, isa ang may hawak ng permanent residenc, at ang 49 ay nakatakdang kasuhan ng hinggil sa paglabag ng Philippine Immigration Act of 1940.FROILAN MORALLOS
874632 118567The website loading speed is incredible. 740558
674811 802387This really is a good topic to talk about. Typically when I discover stuff like this I stumble it. This post probably wont do nicely with that crowd. I is going to be confident to submit something else though. 223219
939140 387992Thank you for the auspicious writeup. It in truth used to be a amusement account it. Glance complex to a lot more added agreeable from you! However, how could we be in contact? 529160