50% DISCOUNT SA REMITTANCE FEE NG OFWs APRUB NA SA KAMARA

REMITTANCE FEE

INAPRUBAHAN na sa Kamara ang panukala na magbibigay ng diskuwento sa remittances ng overseas Filipino workers (OFWs).

Sa botong 224 na pabor at walang tutol, pinagtibay ng mga kongresista sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7952 na layong protektahan ang perang ipinadadala ng mga OFW sa kanilang mga pamilya sa bansa.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng 50% discount sa charge ang OFWs para sa padalang pera sa pama-magitan ng bank at non-bank financial intermediaries.

Para naman sa mga bangko at non-bank intermediaries na magbibigay ng diskuwento, maaari nila itong i-claim bilang tax deductions.

Hindi naman dapat lalagpas sa P24,000 kada OFW ang ibabawas sa gross income ng mga establisimiyen-tong nagbibigay ng discount sa remittance fees sa bawat taxable year.

Ipinagbabawal din ang biglang pagtataas sa remittance fee sa lahat ng financial at nonbank intermedi-aries lalo na kung ito ay hindi dumaan sa konsultasyon sa Department of Finance (DOF), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at Philippine Overseas Employment Administration (POEA). CONDE BATAC

Comments are closed.