50 EXCHANGE FILIPINO STUDES MAAYOS ANG LAGAY SA CHINA

FUJIAN

FUJIAN – LIMAMPUNG Filipino exchange students ang nananatili sa China at naghihintay lamang ng abiso mula sa Embahada ng Fi­lipinas kung kailan ang pagbiyahe pabalik ng bansa.

Nabatid na nasa limang buwan pa lamang na nananatili ang mga ito sa China bilang scholar sa pag-aaral ng Chinese language habang sa Hulyo 2020 pa ang pagtatapos ng programa.

Inihayag ni Jade Bañal, Bicolano exchange student sa Fuzhou City sa Fujian, walang patid ang komunikasyon sa pagitang ng Embahada at iba pang Pinoy students sa bansa.

Pinayuhan aniya ang mga ito na huwag gaanong lumabas ng bahay, tiyaking may suplay ng gamot at may inuutusan na lamang na bumili ng mga pagkain.

Dahil sariling gastos ang ginagamit habang wala pang dumarating na allowance, nangangamba rin ito kung hanggang kailan magtatagal ang naturang health crisis dahil sa novel coronavirus.

Tiniyak naman ni Bañal na nasa ligtas at ma­ayos silang lagay sa ngayon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.