NAABOT na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mahigit 50 milyong target nitong National ID Registration para sa taong 2021.
Ayon sa PSA, natapos na ng nasabing bilang ng mga Pilipino ang second step registration para sa Philippine Identification System (PhilSys) kasama ang pagkuha ng fingerprints, iris scans at front-facing photos.
Samantala, nasa mahigit 10 milyon na ang Phil ID cards na nai-deliver sa pamamagitan ng Philippine Postal Corporation. DWIZ882