LEYTE-ITINAYA ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) kanilang sariling buhay para masagip naman ang may 50 mangingisda na nangangailangan ng tulong sa gitna ng dagat habang nanalasa ang bagyong Jolina sa Samar.
Sinabi ni PNP chief General Guillermo Lorenzo Eleazar na kahanga-hanga ang ginawa ng mga pulis at ipinakita nila kung ano pa ang magagawa sa ngalan ng paglilingkod sa bayan.
Nailigtas ang 50 mangingisda sa lalawigan ng Samar at mayroong apat na labi ang narekober ng mga pulis.
Gamit ng mga tauhan ng Sto. Niño Municipal Police Station ang kanilang patrol boat at makeshift rescue equipment, sinaklolohan nila ang 50 mangingisda na nilalaro ng malalaking alon habang binabayo ng bagyo ang kanilang lalawigan.
“Bilang ama ng inyong Philippine National Police, ikinararangal at ipinagmamalaki ko ang kabayanihang ipinakita ng ating mga pulis sa Sto. Niño Municipal Police Station sa pagliligtas ng ating mga kababayang mangingisda sa gitna ng malalakas na alon gamit ang kanilang patrol boat at makeshift rescue equipment,” ani Eleazar.
Aniya,napanood nito mismo ang video nang isinagawang rescue operation at talagang kahanga-hanga ang tapang at determinasyon na ipinakita ng kapulisan na inilagay sa alanganin ang kanilang mga sariling buhay mailigtas lamang ang buhay ng mga kababayan. VERLIN RUIZ
253693 454805several thanks for telling!. Truth is normally the very best vindication against slander. by Abraham Lincoln.. 67753
184926 436794great . Thanks for informations . Ill be back. Thanks again 933117
273151 120604Someone essentially assist to make severely posts I may state. That could be the quite 1st time I frequented your website page and so far? I surprised with the analysis you made to create this certain submit incredible. Magnificent task! 47483