50 MEDIA PRACTITIONERS ISINAILALIM SA BASIC GUN HANDLING TRAINING

NASA 50 media practioners kasama ang PILIPINO Mirror ang isinailalim sa Basic Gun Handling Seminar/Training ng Philippine National Police nitong Martes.

Isinagawa ang Basic firing training sa Camp Karingal Firing Range sa Quezon City at mismong si PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang nanguna sa pagbubukas ng seminar/training.

Pinangasiwaan ang pagsasanay ni Major Eric Alino, Chief Training and Range Manager sa Camp Karingal, kung saan unang itinuro ang iba’t ibang bahagi ng baril, tamang unloading at charging.

Ang pagsasailalim sa Basic Gun Handling ay upang magkaroon ng kaalaman ang media sa tamang gamit ng depensa lalo na’t krusyal din ang propesyon.

“Ito ay bilang paghahanda ng lahat po ng lahat ng mga shooters na media para magkaroon ng ganitong refresher training para nang sa ganun ay authorized naman humawak ng baril ang ating mga kasamahan sa media so at least kahit papaano they can also defend themselves in case mayroon mga threats sa kanilang buhay,” ayon kay Azurin.

Pinayuhan naman ni Azurin ang mga old time gun shooter na laging balikan ang basic at safety tips o sumailalim sa refresher’s course upang hindi makalimutan ang tamang gamit ng baril.

“Laging babalikan natin yung back to basics like yung gun safety procedures and then proper handling ng baril outside of the firing range and while in the firing range and kailangan malaman din natin ‘yung laging basic na pinapa-remind sa atin na you do not point your gun para hindi ho mangyari o maiwasan yung natin yung mga nangyayari sa iba nating mga kasamahan na media,” payo ni Azurin.

EUNICE CELARIO