50 MEGAWATT WINDMILL PROJECT ITATAYO SA BATANGAS

INAASAHAN nang maitatayo ang 50 megawatt (MW) Wind Project sa Mabini, Batangas matapos maglaan ng P31 milyon na inisyal na badyet ang Basic Energy Corporation (BEC) .

Agad namang inaprubahan ng board ng BEC ang Wind Resource Assessment ng nasabing proyekto.

Naipaalam na rin ng Mabini Energy Corp. (MEC), wholly owned subsidiary ng proyekto na ang wind resource assessment (WRA) para sa Mabini wind power Project ay aprubado na at sisimulan na sa lalong madaling panahon.

Nakipag-ugnayan na rin ang MEC sa Local Government Unit (LGU) ng Mabini para sa mga kaukulang permiso at lisenya.

Ayon kay Atty. Jinky Bitrics Luistro, dating Municipal Administrator ng Mabini na ” hitting 3 birds with one stone” ang proyekto dahil maliban sa dagdag na enerhiya sa kanilang bayan at sa 2nd District ng Batangas, magdadala rin ito ng trabaho at magpapalakas ng turismo sa lugar.

Sakop ng nasabing windmill project ang 4,860-hektaryang lupain na matatagpuan sa Mt. Gulugod Baboy, ang pinakamataas na bahagi sa bayan ng Mabini.

Base sa report ng the Global Wind Atlas ang pagtatayuang lugar ng windmill ay may hanging aabot sa 35.1kilometers per hour.

Matapos mapirmahan ng The Department of Energy, inaasahan ang komersyal na operasyon nito sa taong 2027. RON LOZANO