NASA 50 negosyo ang nais nang pansamantalang magsara dahil sa pagkalugi dulot ng COVID-19 pandemic kung saan 190,000 manggagawa ang mawawalan ng trabaho.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang 50 micro, small and medium enterprises (MSMEs) na una nang nagpatupad ng flexible work arrangement ay kinabibilangan ng retail at tourism businesses.
“Kaya lang nare-reduce iyong working hours nila, so bawas na bawas ang kanilang kita… They decided to temporarily close operations,” ani Bello.
“Titingnan namin kung totoo bang nalulugi,” aniya.
Hindi naman binanggit ni Bello ang pangalan ng nasabing mga kompanya dahil sa privacy issues.
Nauna nang sinabi ng DOLE na umabot na sa 2.5 million workers ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Comments are closed.