TARGET ng Investment Coordination Committee-Cabinet Committee (ICC-CabCom) na tapusin ang kalahati ng 100 proyekto sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, chairman ng ICC-CabCom, tinalakay ng Cabinet body sa isang pagpupulong kahapon ang katayuan ng 100 proyekto sa ilalim ng Infrastructure Flagship Program.
“Of the 100 projects, we expect a total of 50 projects to be completed by the end of 2022, but all the 100 projects will be started within the term of President Rodrigo Roa Duterte,” anang kalihim.
Aniya, nasa 46 proyekto ang nagpapatuloy ang implementasyon.
Mas mataas ito sa 32 proyekto noong nakaraang taon.
Noong Enero ay inatasan ni Pangulong Duterte ang kanyang Gabinete na ipatupad ang mga proyekto na maisasakatuparan sa kanyang termino na magtatapos sa Hunyo 2022.
Nauna na ring binago ng pamahalaan ang ‘Build Build Build’ list nito na kinabibilangan ngayon ng 100 proyekto mula sa dating 75 dahil sa feasibility issues.
Ang updated list ay kinabibilangan ng flagship infrastructure projects sa ilalim ng limang kategorya – transport and mobility, power, water, information and communications technology, at urban development and renewal.
“The remaining half of the 100 projects which will not be completed beyond Duterte’s term provides a very robust pipeline of projects amounting to roughly P2.3 trillion for the succeeding administration, compared with only 14 projects worth about P230 billion that were ready for implementation when the Duterte administration took over in July of 2016,” sabi pa ni Dominguez.
Dagdag pa ng Finance chief, may kabuuang 87 strategic projects sa mga larangan ng infrastructure, health, at agriculture na nagkakahalaga ng P3.774 trillion ang inaprubahan magmula nang mag-umpisa ang Duterte administration.
“Forty or almost half of these projects are included in the Infrastructure Flagship Program,” ani Dominguez.
“We have identified the bottlenecks on the ongoing implementation of ODA and locally-funded infrastructure projects and explored ways and measures on how to address or eliminate these to accelerate their execution,” dagdag pa niya.
Comments are closed.