50% NG SEKYU HOLDER NG PEKENG LISENSIYA

security

CAMP CRAME – KINUMPIRMA ni Civil Security Group Director Police Major General Roberto Fajardo na nasa kalahati ng bilang ng mga security guard sa bansa ang may hawak ng pekeng  lisensya bilang security guard.

Ginawa ni Fajardo ang kumpirmasyon matapos ang isinagawang launching  ng online application ng lisensya ng mga security guard sa ilalim ng Security Licenses Data Integration and Generation System ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA).

Ayon kay Fajardo, kinausap na niya ang Director ng CIDG na si Police Brig. Gen. Joel Coronel para imbestigahan ang kanyang nadiskubre.

Sa report, ay nasa 500, 000  umano ang mga security guard sa bansa pero kalahati lamang nito ang nasa database ng PNP CSG-SOSIA.

Malaking halaga umano ang hindi pumapasok sa kaban ng bayan dahil sa katiwalian sa SOSIA partikular dahil sa mga pekeng lisensya ng mga gwardiya.

Umaasa si Fajardo na ngayong online na ang application ay mababawasan ang katiwalian sa ahensya. REA SARMIENTO

Comments are closed.