CAVITE – UMAABOT sa 50 pamilya ang nawalan ng bahay nang sumiklab ang apoy sa bahay na sinasabing isang adik sa droga sa Barangay Talaba 2, Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling araw.
Sa inisyal na ulat na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, lumilitaw na bandang ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang sunog na mabilis na kumalat sa mga kalapit na bahay.
Sa panayam ng Pilipino Mirror sa dalawang misis na biktima ng sunog,nagsimula ang apoy sa bahay ng adik na lalaki na pinaniniwalaang wala na sa katinuan dahil sa pagbatak ng shabu.
Anila, lumabas pa ng kanyang bahay ang adik na may hawak pa ng isang basong kape habang nakatayo at pinagmamasdan ang nag-aapoy na bahay.
Ayon pa sa dalawang misis,sila na mismo ang sumigaw na may sunog kaya nagulantang ang iba pang kapitbahay habang pinagtulungan naman gulpihin ng mga lalaking nagalit sa adik habang kumakalat ang apoy sa kabahayan.
Nabatid din na dalawang beses nang tinangkang sunugin ng adik ang kanyang bahay subalit naagapan naman ng mga kapitbahay pero sa ikatlong pagkakataon ay natuluyang masunog kung saan naapula naman ang apoy bandang alas-3 ng madaling araw matapos rumesponde ang mga pamatay-sunog.
Kasalukuyang nasa Talaba Elementary School na ginawang evacuation center ng mga nasunugang pamilya kung saan aabot sa P100K ari-arian ang naabo habang patuloy naman ang imbestigasyon. MHAR BASCO
539527 927038excellent . Thanks for informations . Ill be back. Thanks again 581895
56322 339672An incredibly fascinating read, I may possibly not concur completely, but you do make some very valid points. 292989