50 US COMPANIES NAGTATAGO NG $1.6 TRILLION SA IBANG BANSA

LIMAMPUNG pinakamalalaking kum­panya sa United States ang nagtatago ng kanilang kinikita sa ibang bansa, kasama na ang Pfizer, Goldman Sachs, GE, Chevron, Wal-Mart at Apple, na umaabot sa $1.6 trillion.

Ang dahilan daw nito ay ang pag-iwas sa pagbabayad ng malaking buwis.

Matagal na raw itong ginagawa ng mga malalaking kumpanya dahil napakalaki ng buwis na ipinapataw sa kanila ng gobyerno.

Sa panahon ni Pres. Ronald Trump, sinikap niyang mabawasan ang buwis, ngunit nananatili pa ring nagtatago ng kinita sa iba’t ibang bansa ang nasabing 50 kumpanya. Marahil ay nakasanayan na lamang nila it.  – SHANIA KATRINA MARTIN

Comments are closed.