500 FILIPINO NURSES WANTED SA GERMANY

POEA-administrator-Bernard-Olalia

PASAY CITY – INANUNSIYO ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) administrator Bernard Olalia,  na nais ng Germany na punuan ang mga bakanteng posisyon sa kanilang healthcare industry.

Batay sa anunsiyo na nasa kanilang website ng POLE o sa pamamagitan ng mga accredited private recruitment agencies, 500 Pinoy nurses ang kanilang kailangan.

Ang mga assistant nurse o hindi pa nakakapasa sa licensure examination ng Germany ay makatatanggap ng starting salary na 1,900 euros o nasa humigit kumulang P118,266.

Ang mga nurse naman na pasado sa licensure exam ng naturang European country ay may starting salary na 2,300 euros o humigit kumulang P143,165.

Ang requirement ay dapat pasado ng German language proficiency test para maging registered nurse.

Hinimok naman nito ang mga interesadong magtrabaho sa Germany na tingnan ang listahan ng mga recruitment agencies bago mag-apply sa trabaho upang makaiwas sa mga scam o modus.

Comments are closed.