HALOS 500 investors sa buong mundo ang nagkapit-bisig para igiit sa mga pamahalaan na gumawa ng nagkakaisang aksiyon laban sa climate change.
Isang bukas na liham para sa Governments of the World ang ipinalathala ng naturang mga investor na humahawak sa mahigit $34-trillion na assets sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa kanilang liham ay pinabibilisan ng mga investor sa mga gobyerno sa buong mundo ang pagpapasiya kung ano ang dapat gawing aksiyon upang maipatupad ang Paris Agreement Target.
Magugunitang noong 2015 ay halos 200 mga bansa ang nagkasundo sa Paris na limitahan sa 1.5 °C ang pagtaas ng temperatura dahil sa gas emission.
Itinaon ng mga investor ang paglabas ng kanilang bukas na liham sa G20 Summit sa Japan sa Hunyo 28 at 29 kung saan magpupulong ang 20 pinakamalalaking ekonomiya sa mundo. DWIZ 882
Comments are closed.