500 KADAMAY MEMBERS MAY ENTRY PASS NA NG NHA

NHA-2.jpg

BULACAN – Nasa 500 miyembro ng Kadamay o Kalipunan ng Damayang Mahihirap at pro-government group ang binigyan ng entry pass ng National Housing Authority (NHA).

Bunsod ito ng pakikipag-ugna­yan ni Pandi Mayor Enrico Roque  sa naturang ahensiya ng Pabahay.

Ang nasabing entry pass ay pagpapatunay na ang kanilang inakupahang bahay na ilang taon na ang nakalilipas ay kanila nang pag-aari.

Ayon naman kay Engineer Ramon Paragas ng NHA-Bulacan, ang entry pass na ipagkakaloob ay pagsisimula ng proseso sa katuparan ng pangarap bilang may-ari ng mga bahay  kasama na rito ang permit na magkaroon ng ilaw at tubig.

Kasabay nito ay ipinaalala ng alkalde sa mga miyembro ng Kadamay at sa mga pro-government group na magparehistro na bilang mga residente ng Pandi. THONY ARCENAL

One thought on “500 KADAMAY MEMBERS MAY ENTRY PASS NA NG NHA”

  1. 107467 24939Having read this I thought it was quite informative. I appreciate you taking the time and effort to put this post together. I once once again uncover myself spending approach to considerably time both reading and commenting. But so what, it was still worth it! 826287

Comments are closed.