GENERAL SANTOS CITY – PINANINIWALAANG COVID-19 pandemic ang pangunahing ugat kaya nawalan ng trabaho ang 500 manggagawa ng Dole Philippines Inc. sa bayan ng Polomolok, South Cotabato..
Ayon sa ulat, nagpatupad ng retrenchment program o pagbabawas ng mga empleyado ang nabanggit na kompanya sa gitna ng pagbagsak ng ekonomiya na dulot ng COVID-19 crisis.
Sa pahayag ni Jeremiah Mari Diana, corporate communications supervisor, nagsimula ang retrenchment program ng Dolefil noong Setyember 18 upang makapagpatuloy ang operasyon ng nasabing kompanya sa kabila ng nararanasang pandemya.
Ang Dolefil na pagmamay-ari ng Itochu Corporation ng Japan na may 30,000 kawani para sa 13,000 ektaryang taniman ng pinya sa bayan ng Polomolok.
Tiniyak naman ni Diana, ang naturang retrenchment ay alinsunod sa labor code, kung saan inaabisuhan na ang mga empleyado, isang buwan bago ang pagtatanggal sa kanila.
Sa kabila nito, nagbigay naman ng ayudang livelihood o pangkabuhayan ang kompanya sa mga natanggal na kawani bilang parte ng retrenchment package.
Subalit, may ilang kawani naman ang nagreklamo na wala silang natanggap na abiso mula sa nasabing kompanya kaugnay sa retrenchment program. MHAR BASCO
Comments are closed.