INAPRUBAHAN ng Japan-led multilateral lender Asian Deve- lopment Bank (ADB) ang panibagong loan para sa Filipinas na nagkakahalaga ng $500 million.
Ang naturang pautang ay para sa pagpapalawak ng conditional cash transfer program o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa isang statement, sinabi ng ADB na saklaw ng inaprubahang loan ang pinalawak na 4Ps na inilunsad noong 2008.
“The 4Ps program provides vulnerable households with an income supplement to help their children become educated, stay healthy, and leave poverty for good. Our evidence shows that this is working,” wika ni ADB vice-president Ahmed Saeed.
“The 4Ps program has helped 1.5 million people escape poverty since it began in 2008. Through this project loan and technical assistance support, ADB is helping the Philippines expand these gains,” dagdag pa niya.
Ang 4Ps ay nagbibigay sa mahihirap na pamilya ng cash assistance sa kondisyong patuloy na nag-aaral ang kanilang mga anak, bumibisita sa health centers, at dumadalo sa family development sessions.
Bukod sa loan, sinabi ng ADB na magkakaloob din ito ng $3.1-million technical assistance para makatulong sa pagpapahusay sa development sessions, magbibigay ng livelihood packages at susuporta sa IT reforms.
Noong Abril ay inaprubahan ng ADB ang $200-million loan para sa Filipinas upang pondohan ang emergency cash subsidies para sa mga benepisyaryo ng 4Ps program.
Comments are closed.