KINOKONSIDERA ng mga economic manager ng bansa ang pag-utang ng $500 million sa World Bank para mapalakas ang recovery efforts ng pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Ompong.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, irerekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng state of calamity para makautang.
“Should the President declare a state of calamity, we will be able to access a $500 million loan from the World Bank at very reasonable rates,” wika ni Dominguez.
Sinalanta ni ‘Ompong’ ang farmlands sa North at Central Luzon noong Set. 15 na nagresulta ng mga pagbaha at landslides na ikinasawi ng dose-dosenang katao.
Sa pagtaya ng Department of Agriculture (DA), ang pinsala ay nasa P14 billion, P8.97 billion ay sa rice crops at P4.5 billion sa corn
Kasalukuyan pang isinasagawa ang full assessment sa pinsala ng bagyo.
Tinukoy ang preliminary reports, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Guinigundo na ang pinsala ay ‘isolated at naka-confine sa ilang lugar’.
“We don’t see generalized effects on supply logistics or even in terms of production,” aniya.
Comments are closed.