(500-MW capacity data centers itatayo) DIGITAL INFRA PALALAKASIN NG PH, UAE

TARGET ng Pilipinas at ng United Arab Emirates (UAE) na magtayo ng data centers sa bansa na may  500 megawatts capacity kasunod ng paglagda ng dalawang bansa sa isang memorandum of understanding (MOU) para palakasin ang digital infrastructure.

Sa isang statement, sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na lumagda si Secretary Alfredo Pascual sa MOU kasama ang UAE Ministry of Investment sa Abu Dhabi noong Nobyembre 30 para palakasin ang  alyansa ng dalawang bansa sa digital infrastructure development.

“This MOU serves as a framework for a stronger alliance of both countries in strengthening bilateral ties, particularly in the digital infrastructure sector. Through the development of these centers, the Philippines is poised to thrive further in the global digital economy as these will be critical for storing essential data and running applications aligned with the country’s vision of a robust growth in the digital ecosystem,” sabi ni Pascual.

Dagdag pa niya, layunin ng kasunduan na palakasin ang partnership ng public at private sectors ng dalawang bansa upang mapabilis ang  investments para sa 500-MW data centers, gayundin sa pagbabahagi ng technical know-how sa digital infrastructure.

“This transformative alliance exemplifies the country’s unwavering commitment to embracing innovation and fostering sustainable economic growth to facilitate the integration of the Philippines’ digital infrastructure into the global digital economy,” dagdag ng DTI chief.

Sa kanyang panig, kinilala ni UAE Minister of Investment Mohamed Hassan Alsuwaidi ang mabilis na pag-adopt  ng Pilipinas sa  digital technology at sinabing ang  partnership sa Abu Dhabi ay makatutulong sa pagpapabilis ng digitalization sa Pilipinas.

Para sa first half ng 2023, ang bilateral trade sa pagitan ng Pilipinas at ng UAE ay tumaas ng 19.4 percent sa USD506.1 million.

Kapwa sinabi ng Manila at Abu Dhabi na sa pamamagitan ng MOU ay lalong lalakas ang economic ties sa pagitan ng dalawang bansa.

(PNA)