NASA 500 ang panibagong napaulat na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkoles, Disyembre 1, pumalo na sa 2,833,038 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 15,327 o 0.5 porsiyento ang aktibong kaso.
7,183 sa active COVID-19 cases ang mild; 756 ang asymptomatic; 3,832 pasyente ang moderate; 2,489 ang severe habang 1,067 ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 167 naman ang nasawi kaya umakyat na sa 48,712 o 1.72 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 951 naman ang gumaling pa sa COVID-19 kaya pumalo na sa 2,768,999 o 97.7 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.