PUMALO na sa 507,717 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,783 panibagong COVID-19 cases araw ng Huwebes, Enero 21.
Nasa 30,126 naman ang active cases.
Samantala, 500 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 467,475 ang total recoveries
Habang 74 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 10,116 na ang death toll ng coronavirus sa bansa.
Comments are closed.