UMAABOT sa kabuuang 500 mga pulis mula sa Philippine National Police-National Capital Region Office (PNP-NCRPO) ang sinibak sa kanilang pwesto kabilang ang isang Colonel.
Ito ng inihayag ni MGen. Jose Melencio Nartatez Jr. simula nang maupo si bilang hepe ng NCRPO kung saan patuloy ang decommissioning ng mga pulis.
Inihayag ni Nartatez sa monthly forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Harbor View Restaurant, ang pagpaparusa sa mga pasaway na mga pulis ay mula demotion, dismissal hanggang sa forfeiture ng benefits.
Kaugnay nito, nilinaw ng heneral na tanging limang porsyento lamang ng kabuuang bilang ng pulis sa bansa ang gumagawa ng katiwalian at ang mga ito ay nakakatanggap ng kaukulang parusa.
“It is unfair for the 95 percent who are doing good,” giit ng general.
Samantala, sinabi rin ni Nartatez na may 40 ang nahuhuli araw-araw sa Metro Manila dahil sa illegal drugs.
Nabatid pa na ang standard value ng drogang nahuhuli araw-araw ay P1.2 million.
Binasura rin ng heneral ang ideya ng armed confrontation sa mga drug suspect maliban na lamang kung ito ay self-preservation sa bahagi ng pulis na nagsasagawa ng anti-drug operations.
VERLIN RUIZ