500 PINOY UMALMA SA MALIIT NA SUWELDO SA HAWAII

suweldo

HONOLULU – NANAWAGAN ang may 500 Filipino workers sa Honolulu International Airport ng umento.

Ayon sa mga empleyado ng mga fastfood at restaurant ang mga nagprotestang Filipino dahil sa mababang suweldo at hindi magandang benepisyo sa medical.

Magtatagal ang protesta ng mga Pinoy sa airport ng tatlong araw mula Biyernes hanggang sa Linggo, oras sa Hawaii.

Dagdag ni Pascua na pinayuhan ng management ng airport ang mga pasahero na magbaon ng sariling pagkain dahil sarado ang mga fastfood at restaurant na malapit sa nasabing lugar. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

One thought on “500 PINOY UMALMA SA MALIIT NA SUWELDO SA HAWAII”

Comments are closed.