QUEZON – KASADO na ang pagbabantay ng Quezon Provincial Police Office para sa Undas at mahigit na 500 pulis ang kanilang ikakalat sa 115 pampubliko at pribadong sementeryo sa 39 na bayan at 2 siyudad sa lalawigan.
Ayon kay Deputy Provincial Director for Operation Lt.Col Romulo Albacea, ngayong araw ay ikinalat na ang mga pulis, hanggang Nobyembre 4.
Ang bawat sementeryo ay magkakaroon ng Public Assistance Desk na kumpleto sa pagbibigay ng tulong katulad ng problema sa kondisyon ng katawan at nagkaaberya o nasiraan ng sasakyan.
Kasama ng kapulisan na magbababatay sa mga sementeryo ang BFP, health team, rescue team, Radio Communication Group, at mga brgy. tanod (BPAT).
Ayon pa kay LtCol. Albacea maging sa 13 ports area, bus terminals, malls, at mga simbahan ay nagtalaga rin sila ng mga pulis na magbabantay. Nagsagawa rin sila ng mga traffic rerouting upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko. BONG RIVERA
Comments are closed.