PINANGUNAHAN ni Senador Lito Lapid ang AICS payout ng DSWD sa SM City San Pablo kamakailan.
Sa inisyatiba ng tanggapan ni Lapid, nabiyayaan ng tig-2,000 piso ang nasa 500 Senior Citizens at PWDs sa isinagawang payout.
Inaasahan ni Lapid na makatutulong ang konting ayuda upang maitawid ang pangangailangan ng mga benepisyaryo
Nagpasalamat ang Senador sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga benepisyaryo.
Sa pangunguna nina Cong. Loreto “Amben” Amante at Vice-Governor Karen Agapay, nagpasalamat ang mga benepisyaryo kay Sen. Lapid sa napapanahong ayuda sa kanila. VC