5,000 ATLETA SASABAK SA BP NAT’L CHAMPIONSHIPS

batang pinoy

MAHIGIT sa 5,000 atleta mula sa buong bansa ang inaasahang lalahok sa national youth sporting event ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa 15 years old and below.

Ito ang inanunsiyo ni Batang Pinoy Secretariat Head Manuel Bitog matapos ang serye ng Delegation Registration Meetings sa Mindanao, Visayas, South Luzon at North Luzon ngayong buwan.

“We are looking at more than 5,000 athlete-participants in Palawan. Our series of delegation registration meetings since the start of July has helped the PSC to clearly determine the number and profile of competing athletes in the games,” wika ni Bitog.

Sinimulan ng PSC ang DRMs nito sa Min­danao noong Hulyo 3-5 sa Pinnacle Hotel, Davao City, na sinundan ng Visayas noong ­Hulyo 10-12 sa Cebu City Sports Complex.

Ang South Luzon ang third stop noong ­Hulyo 17-19 sa Lipa City Youth & Cultural Center habang ang North Luzon ay noong Hulyo 24-26 sa Provincial Employment & Skills Development Center (PESDC), Narciso Ramos Sports & Civic Center sa Lingayen, Pangasinan.

Inanunsiyo rin ni Bitog ang mahigpit na pagpapatupad ng PSC sa ‘Zero Plastic Policy’ sa buong panahon ng games, tulad ng itinatakda ng Presidential Proclamation No. 760 of 2014 at Republic Act  9003 na kilala rin bilang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000”.

Ang national championships na gaganapin sa Puerto Prinsesa, Palawan sa Agosto 25-31 ay tatampukan ng 31 sports, kabilang ang cycling, gymnastics, judo, billiards, muay thai, rugby football, triathlon, soft tennis, weightlifting, wrestling at wushu.

Comments are closed.