5,000 HRM GRADS KAILANGAN SA ISRAEL

ISRAEL-3

MAYNILA – INAASAHANG madaragdagan ang bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) sa mga susunod na panahon.

Kasunod ito ng anunsiyo ng  Department of Labor and Employment (DOLE) na aabot sa 5,000 Filipino hotel workers ang kakailanganin sa Israel.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nagpahiwatig na ang Israel government na mas nais nila ang Filipino kaysa ibang nasyon para manilbihan sa hotel.

Gayunman, wala pang job orders o guideline subalit  tiniyak ng kalihim na sa susunod na buwan ay paplantsahin na ang kasunduan hinggil sa nasabing job opening.

Naghihintay rin ang magandang suweldo sa sinumang kandidatong tapos ng Hotel and Restaurant Management Course.

“The pay is always very good. You know naman that our caregivers are receiving $1,350 to $2,000 a month…Probably [the hotel workers] will have the same emoluments,” ayon pa kay Bello.

Samantala, inaasahan din ang pagkuha ng mga nakatapos mula sa Technical Education and Skills Development Authority(TESDA). EUNICE C.

One thought on “5,000 HRM GRADS KAILANGAN SA ISRAEL”

Comments are closed.