5,000 PAMILYA SA SIARGAO NAAYUDAHAN NA

SURIGAO DEL NORTE – MAHIGIT 5,000 pamilya sa Siargao Island ang nakatanggap na ng financial assistance para makarekober sa pananalasa ng Typhoon Odette noong isang buwan.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) naipamahagi na ang P5,000 cash assistance sa unang batch ng most affected families sa 13 barangays sa bayan ng Dapa.

Sa record, nasa 14,000 katao sa Dapa ang apektado ng nagdaang bagyo,
Aminado naman ang DSWD na hindi lahat ng apektadong pamilya ay mabibigyan ng ayuda.

“This is based on the assessment po ng barangay, if yung bahay, kung ilan po sila sa pamilya, kung marami ba sila, meron ba silang mga vulnerable sector sa pamilya. Isa rin po sa tinitignan ay if yung means of income po nila ay naapektuhan rin po ng bagyong Odette,” paliwanag ni Reishel May Mentolaroc, planning officer ng DSWD Caraga.

Sa datos, mahigit P29 million in cash assistance ang naipamahagi na sa mga apektadong pamilua sa nasabing bayan.

Iaanunsyo pa ng DSWD Caraga ang ikalawang bugso ng financial assistance sa affected families sa iba pang bayan sa nasabing isla.

Isa sa benepisyaryo ang nagsabi na dahil sa cash assistance ay nakabili sila ng pagkain at building materials para magawa ang kanilang bahay.

“Napakahirap po kasi, ngayon lang po kami nakaranas nang malakas na bagyo. Tapos nawalan po kami ng tirahan, okay naman po sana kung wala kaming maliliit na anak, [kaso] meron po,” ayon kay Ester Blase, isang residente at benepisyaryo ng financial assistance.