500K APORs NAKA-LIBRENG SAKAY SA MRT-3, LRT-2 AT PNR

mrt

HALOS 500,000 na agad ang bilang ng Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nakapag-avail ng lib­reng sakay sa railway lines.

Sa datos noong Agos­to 10, nasa 62,092 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.

Sa nasabing bilang, 11,804 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 47,187 sa MRT-3 habang 3,946 naman sa PNR. mabot na sa 452,092 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nabigyan ng libreng pamasahe simula noong Agosto 3.

Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade ang libreng sakay sa mga pasaherong naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Nabatid na para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.

Epektibo ang libreng sakay sa railway lines hanggang Agisto  20, 2021 kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

7 thoughts on “500K APORs NAKA-LIBRENG SAKAY SA MRT-3, LRT-2 AT PNR”

  1. 839018 990301This write-up contains wonderful original thinking. The informational content material here proves that things arent so black and white. I feel smarter from just reading this. 891633

Comments are closed.