MAKATI CITY – PUNTIRYA ng Taiwan ang 500,000 Filipino visitors bago matapos ang 2019.
Bagaman aminado si Taipei representative to Manila Peiyung Hsu na nagpapatuloy ang palitan ng turista ng dalawang bansa, umaasa pa silang madaragdagan ang mga Filipino na bibisita sa kanila ngayong taon.
Sa datos mula Enero 1 hanggang Agosto 31 ngayong taon, mahigit 330,000 Filipino ang nagtungo sa Taiwan na kumakatawan sa 14% increase sa nakalipas na taon.
“Our target is 500,000 by the end of this year, and I urge all of you to take advantage of our program giving Filipinos two-week visa-free entry into Taiwan,” ayon kay Hsu.
Ang Manila at Taipei ay walang formal diplomatic ties bilang respeto sa One-China Policy.
Ang Taiwan ay kinakatawan ng Taiwan Economic and Cultural Office, bilang kanilang embahada sa Filipinas.
Ang Taiwan ay self-ruling democratic island na humiwalay sa mainland China noong 1949.
Sa nakalipas na mga taon, inilunsad ng Filipinas at Taiwan ang ilang visa liberalization measures na nagresulta ng mabilis na pagdami ng bisita.
Paliwanag ni Hsu, ang visa-free privilege ay sumasalamin ng kanilang goodwill and friendship sa mga Filipino na naglalayung patatagin ang ang bilateral relations at maging malapit ang mamamayan ng dalawang bansa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.