500K PASAHERO DAGSA NGAYONG LONG WEEKEND

WALANG patid ang mga biyahero palabas at papasok ng Metro Manila simula nitong Huwebes ng gabi, Agosto 23, na panimula ng long weekend o apat na sunod na araw na walang pasok sa paaralan at trabaho.

Ayon kay Eunice Samonte, spokesperson ng Philippine Port Authority, posible ang 500,000 pasahero, katunayan hanggang noong Biyernes ng tanghali lang nasa 61,000 na ang kanilang naitala.

Kabilang sa top ports ngayon na may pinakama­raming pasahero ay sa Bohol, batangas, Marquez, Mindoro at Western Leyte/Biliran port.

“Ngayong long weekend inaasahan natin na medyo marami mga pasahero natin dahil  apat na araw ‘yung free sating mga kababayan usually talagang mas marami,” ayon kay Samonte.

Tiniyak ng PPA na katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan ay handa sila sa inaasahang dagsa ng mga pasahero.

Samantala, nagpalala si Samonte sa mga pasahero na mag-ingat sa mga biyahe at pinayuhan na i-check sa shipping lines ang kanilang schedule habang huwag nang magdala ng napakaraming gamit.

“Paalala sa pasahero manatiling mag-ingat sa mga biyahe pinakamgaganda pa rin ay check sa kanilang shipping lines kung mga biyahe nila ay tuloy lalo di natin inaasahan masamang panahon jump cut to travel light na huwag nang magdala ng napakaraming gamit jump cut to magbaon mahaba pasensya online booking bago punta pantalan,” ayon kay Samonte.

Mas mabuti rin aniya kung maglaan ng tatlo hanggang limang oras na allowance sa pagpunta sa mga pantalan.

EUNICE CELARIO