500M PIRASO NG BAGONG P1,000 BILL IPAKAKALAT NG BSP

TATAPUSIN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagpapalabas ng 500 million na piraso ng bagong polymer P1,000 banknote sa 2023.

Ayon kay BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan, may 10 million na piraso na ang naipakalat ng central bank.

Pinaalalahanan din ni Tangonan ang publiko na ang lumang paper banknote ay mananatiling  legal tender kasama ang  polymer bill.

Ang bagong disenyong  P1,000 banknote ay sinimulang ipakalat noong nakaraang  April 18.

Inilabas ng central bank noong December ang bagong disenyo ng P1,000 polymer note, na dinisenyo ng BSP at inaprubahan ng National Historical institute.  Tampok dito ang Philippine eagle sa harap, na pumalit sa mga bayaning sina Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda, at Jose Abad Santos.

Nakipagtulungan ang BSP sa Reserve Bank of Australia at sa wholly-owned subsidiary nito na Note Printing Australia para sa produksiyon ng  polymer banknotes, gamit ang materyales na katulad sa pera ng Australia, Canada, Mexico, New Zealand, at United Kingdom.

Nauna na ring pinaalalahanan ng BSP ang publiko na ang bagong P1,000 banknotes ay hindi ipinagbibili