SIMULA ngayong araw ay 507 pang traditional jeeps ang magbabalik sa kalsada sa Metro Manila sa pagbubukas ng apat na bagong ruta, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
Sa anunsiyo ng LTFRB, ang mga inaprubahang bagong ruta simula ngayong araw ay ang mga sumusunod: 1. T266 Parang – Recto; 2. T267 Parang – Stop & Shop via Aurora Blvd.; 3. T268 Recto – SSS Village via Aurora Blvd., Espana Blvd.; 4. T3171 Libertad – Pinagbarilan
Ayon sa board, may 29,227 traditional jeeps na ang nagbalik operasyon sa Metro Manila.
Pinaalalahanan naman ng LTFRB ang mga jeepney operator na sumunod sa safety protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at face shields, at pag-disinfect sa mga unit, gayundin ang pagpapatupad ng ‘one-seat-apart’ rule.
Idinagdag pa ng transport regulatory board na hindi maaaring magtaas ng pasahe ang mga operator. Sa kasalukuyan, ang minimum fare ay P9.
Comments are closed.