508 KAMBING IPINAMAHAGI SA MGA MAGSASAKA

Kambing

CAGAYAN – UMAABOT sa 508 kambing ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) region-2 sa mga apektadong magsasaka dulot ng bagyong Tisoy sa lalawigan ng Isabela at Cagayan.

Sa ilalim ng ‘’Typhoon Tisoy Rehabilitation’’ ng DA Region 2 na ang nasabing programa ay para sa mga magsasakang nawalan ng pangkabuhayan  dahil sa malawakang pagbaha na naranasan noong nakalipas na taon.

Ayon ka Demetrio Gumiran Jr. ng DA-Region 2, ilan umano sa mga nakatanggap ng tulong ay mga magsasaka sa mga bayan ng Abulug, Alcala, Tuao, Claveria, Sanchez Mira at Pamplona sa Cagayan habang sa Isabela naman ay sa mga bayan ng Tumauini, Delfin Albano, Benito Soliven, Cabagan at Ilagan City.

Gayundin,sa patuloy ang pagbuhos ng ulan sa rehiyon 2 na dahil sa Bagyong Pepito kamakailan, nagdulot pa rin ng malawakang pagbaha kung saan naapektuhan ang maraming pananim na palay na kasalukuyang inaani  ng mga magsasaka.

Patuloy pa ang ayuda sa mga magsasaka na malaking tulong para makaahon sa gitna ng pandemya, at nakaabang na rin ang iba pang mga lugar sa rehiyon na mabigyan ng  tulong mula sa pamunuan ng DA. IRENE GONZALES

Comments are closed.