50K CITY ORDINANCE VIOLATORS HULI SA METRO

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY – NASA 50,000  katao ang naaresto na pawang violator ng mga ordinansa sa Metro Manila.

Batay sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nasa 49,304 ang nahuli mula Hunyo 13 hanggang Hulyo 13.

Ito ay sa gitna ng implementasyon ng mga ordinansa laban sa iba’t ibang paglabag.

Kalahati sa bilang ng naaresto ng Eastern Police District (EPD) na sakop ang Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Sa datos, pinakamarami ang naaresto dahil sa paninigarilyo sa kalsada habang ang iba ay nahuli dahil walang suot na damit pang-itaas at ang pagsusugal.

Paglilinaw naman ni NCRPO director Chief Supt. Guillermo Salazar na halos 30,000 sa mga hinuli ay binigyan lamang ng warning at pinalaya na rin.

Habang ang iba ay pinagmulta at ang iba pa na mabigat ang kaso ay sinampahan ng reklamo sa piskalya gaya ng nahulihan ng droga at armas. EUNICE C.

Comments are closed.