50K NA VACCINATORS SASANAYIN

bakuna

LIMAMPUNG libong vaccinators ang sasanayin ng gobyerno para sa ikakasang massive immunization program, ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer and Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.

Tiniyak naman ng opisyal na may sapat pang oras para sa pagsasanay sa magiging vaccinator ng bansa lalo na’t naghihintay pa sa pagdating ng mga bakuna kontra COVID-19.

“There is still time to train 50,000 vaccinators for the government’s COVID-19 immunization program,” ayon kay Galvez.

Bahagi ng pagsasanay naman o simulation sa pagbakuna ay maging maayos ang implementasyon ng programa ng pamahalaan na nagla-layong wakasan na ang pandemya.

Bagaman napaulat na hindi sigurado kung darating sa bansa ang 600,000 doses na donasyong Sinovac vaccine ng China sa Pebrero 23, positibo si Galvez na gugulin nila ang oras sa pagsasanay sa mga vaccinator upang maiwasan ang aberya sakaling umarangkada na ang immunization.

Samantala, by tranches o by batch ang pagbakuna ang disenyo ng immunization at para sa una at pangalawang quarters, inaasahan darating ang vaccine doses na nasa apat hanggang sampung milyon.

Sa ngayon aniya, 4,000 vaccinators pa lamang ang nagsasanay kaya habang naghihintay sa pagdating ng mga bakuna ay tuloy ang pagsasanay sa mahigit 40,000 vaccinators. EVELYN QUIROZ

3 thoughts on “50K NA VACCINATORS SASANAYIN”

  1. 480515 656845I believe other internet site owners ought to take this internet site as an example , extremely clean and wonderful user genial style . 456416

  2. 233627 676620Hello! I could have sworn Ive been to this site before but soon after browsing through some with the post I realized it is new to me. Nonetheless, Im undoubtedly pleased I identified it and Ill be book-marking and checking back often! 749177

  3. 89878 486329I want reading by means of and I conceive this internet site got some genuinely utilitarian stuff on it! . 318167

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *