50K PAMILYA SIBAK SA 4Ps

4ps

UMAKYAT na sa 50,000 pamilya ang natanggal bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan sa Region 1.

Sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 1, hanggang noong Agosto ay may kabuuang 47,078 pamilya ang na­alis sa listahan kung saan karamihan sa mga ito ay walang eligible household members na may edad 0 hanggang 18.

Bukod dito, mayroon ding mahigit 1,000 pamilya na mayroon nang sapat na pagkakakitaan para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Nabatid na lima mula sa kabuuang bilang ang natanggal dahil sa mis­representation, 162 ang naalis dahil sa pagsusugal at pagsasangla ng kanilang cash card, 170 ang tinatawag na duplicate households, 29 ang hindi sumunod sa mga kondisyon ng 4Ps program, at halos 7,000 ang boluntaryong inalis ang kanilang sarili sa listahan.

Lumabas pa sa latest record ng DSWD-Region 1 na sa Pangasinan nangga­ling ang karamihan sa mga pamilyang natanggal sa listahan dahil sa nabanggit na mga rason, samantalang ang Ilocos Norte ang maituturing na may pinakamababang bilang ng mga pamilyang natanggal sa listahan.

Ayon sa DSWD, bago naalis sa listahan ang ilang pamilya, dumaan muna sila sa malalim at mausing assessment ng mga tinatawag na case manager ng ahensiya. BENEDICT ABAYGAR, JR.

One thought on “50K PAMILYA SIBAK SA 4Ps”

Comments are closed.