50K PASLIT NABAKUNAHAN VS POLIO

Polio Vaccine

UMABOT na sa 50,000 bata ang nabigyan ng Philippine National Red Cross ng bakuna laban sa polio.

Ayon kay Red Cross Chairman Senador ­Richard Gordon, sumampa na sa 51,100 bata ang napagkalooban ng polio vaccine, bilang bahagi na rin ng pagtulong ng Red Cross sa malawakang immunization program ng Department of Health (DOH).

Dagdag pa ng senador, layunin nila na tuluyan nang matuldukan ang paglaganap ng sakit na polio sa bansa at maibalik na rin ang tiwala ng publiko sa immunization ­program ng DOH. DWIZ882

Comments are closed.