AABOT SA 50,000 villagers o residente ang nagsilikas sa kani-kanilang tahahan sa Mindanao bunsod ng pinakabagong bakbakan ng militar at iba’t ibang grupo ng rebelde, batay sa ulat ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA).
Ang pinakamaraming displaced population sa Maguindanao na mayroong 35,235 katao na nagsilikas sa mga munisipalidad kung saan naitala ang bakbakan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at faction ng Bagsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa pamumuno ni Abu Turaifie noong huling linggo ng Pebrero.
Samantala, ang bagong bakbakan sa pagitan ng AFP at remnants ng Maute armed group sa Lanao del Sur noong Marso 11, 14 ay nagtaboy sa 8,911 individuals sa kanilang mga tahanan.
Ang Maute group ay responsable sa limang buwang Marawi siege noong 2017 na nagtaboy sa 66,000 katao.
Marami katao ang na-displace at nananatiling nasa evacuation centers, transitory sites, at home-based locations.
Sa Sulu, kabuuang 5,160 ang na-displace sa bakbakan sa pagitan ng AFP at Abu Sayyaf armed group noong Pebrero 25 na nakaapekto sa Patikul at Tongkil kung saan itinatago ang bihag na dayuhan.
Sa report ng Save The Children Philippines, nasa 160,000 children ang displaced sa Marawi lamang. EUNICE C.
Comments are closed.