TARGET ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mapauwi sa bansa ang mahigit 50,000 oversease Filipino workers (OFWs) hanggang sa katapusan ng buwan.
Sa pagdinig ng House Committee on Overseas Workers Affairs, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Arriola na inaasahan nilang mare-repatriate ang nasa 50,577 OFWs hanggang sa Hulyo 31.
Sakali namang mapauwi na sila sa bansa ngayong Hulyo, target naman ng ahensiya na mapauwi ang matitirang 117,049 OFWs sa katapusan ng Agosto o unang linggo ng Setyembre.
Mula Hunyo 26, aabot sa kabuuang 167,626 ang mga stranded OFW na naipit sa iba’t ibang bahagi ng mundo bunsod pa rin ng epekto ng COVID-19 pndemic.
Ngayong Hulyo ay nasa 21,171 distressed OFWs mula Middle East, Asia and the Pacific, America, Europe at Africa ang nakauwi na ng bansa.
Tumaas naman sa 3,000 kada araw ang flights ng mga repatriated OFW.
Aminado si Arriola na nagiging mabagal ang kanilang hakbang sa repatriation ng mga OFW dahil sa limitasyon sa bilang ng mga flight, quarantine capacity sa bansa, pagsasara ng airports, kawalan ng exit visas ng maraming OFW at pagkakasakit ng mga foreign service personnel. CONDE BATAC
Comments are closed.