MAHIGIT kalahati ng mga Filipino ang masaya sa kanilang love life, ayon sa pinakahuling pag-aaral na ginawa ng Social Weather Stations (SWS).
Ayon sa survey na ginawa noong Disyembre, 51 porsiyento ng mga Pinoy ay very happy ang love life; mas mababa ito sa 57 porsiyento na naitala noong 2017.
“This compares with 57 percent who said their love life was very happy, 29 percent who said it could be happier, and 14 percent who said they do not have a love life in 2017,” anang SWS.
Samantala, ayon naman sa pahayag ng 36 porsiyentong respondents, ‘mas sumaya pa’ ang kanilang love life, mas mataas sa 29 porsiyento na naitala noong 2017 na naghahangad na mas masaya sana ang kanilang love life.
At 13 porsiyento naman ang nagsabi na zero ang kanilang lovelife o ‘walang love life.
Samantala, nagsabi naman ang 50 porsiyento na mahalaga para sa kanila ang pagitan sa edad (age gap) sa isang relasyon—33 porsiyento na talagang mahalaga at 17 porsiyentong medyo mahalaga.
Balewala naman ang edad, ayon sa 41 porsiyento—28 porsiyento na talagang hindi mahalaga at 13 porsiyento na medyo hindi mahalaga. Ang siyam na porsiyento ay hindi alam kung mahalaga ito o hindi.
Okay lang sa 49 porsiyento na magkaroon ng karelasyon na mas matanda sa kanila ng 10 taon pero hindi dito pabor ang 30 porsiyento. Ang nalalabi ay undecided.
Hindi naman pabor ang 44 porsiyento na magkaroon ng karelasyon na mas bata sa kanila ng 10 taon samantalang 36 porsiyento ang pabor dito.
Ang survey ay ginawa mula Disyembre 16-19. Sa pamamagitan ng face to face survey sa may 1,440 Filipino na kuhanan ng kanilang opinyon.
Unang isinagawa ang SWS survey noong 2002, nasa 58 porsiyento ang nagsasabing “very happy” ang kanilang love life.
“It fell to 46 percent in 2004, and recovered to 50s levels from 2010 to 2012, reaching a record-high 59 percent in 2011. It declined to 49 percent in 2014 before bouncing to 51 percent in 2015, 55 percent in 2016, and 57 percent in 2017,” ayon sa nasabing polling firm. VERLIN RUIZ
Comments are closed.